Curbsides

Ang U.P. ay dagat at ako ay isang dilis.

Dream headline

Posted by Arch sa Mayo 28, 2007

Hindi masamang mangarap.

image.jpeg

Posted in Uncategorized | 6 Comments »

Jordin sparks is the winner

Posted by Arch sa Mayo 24, 2007

At si Jordin nga ang nanalo ng American Idol 6. Watch her videos here. Siya yung bet ko sa una pero mas nagustuhan ko si Chris Richardson (na naging Top 5). Sa tingin ko, this season was the best AI in production, but still, si Carrie Underwood pa rin ang best Idol. at si Antonella Barba.

Signature Song: A Broken Wing by Martina McBride

Personal Favorite ko: To Love Somebody by The Beegees

Best vocals this season: You’ll Never Walk Alone 

Posted in Uncategorized | 1 Comment »

Putang-igit!

Posted by Arch sa Mayo 23, 2007

Yan ang bagong mura na natutunan ko sa mga roommate ko kahapon. Ang sarap sabihin kaya malamang ito na rin yata ang magiging mura ko for a long, long, time.

Putang-igit ang hirap ng Fifth long exam ko sa math kanina. Wah! Double wah! Finals bukas at nagbo-blog pa ako. Keangan ng matindihang review, yung tipong sunugan ng kilay. Bagsakin malamang ang standing ko kaya dapat kong mapasa bukas ang finals with flying colors.

Putang-igit  na late ako sa exam ko kanina. Alas 9 ang exam pero nagising ako ng 12:30. Batugan ako! Buti na lang sobrang bait ng professor ko (Sir Arellano, you’re the man!) at binigyan pa rin nya ako ng exam. malamang dahil sabi ko nasiraan ang kotse ko sa SLEX

Putang-igit ang ganda ng finale HEROES!  Bitin nga lang. Ang corny din ng pagkamatay ni Sylar (teka parang buhay pa siya eh. Pero over-all astigin ang episode. Natawa naman ako kay Hiro nung mateleport sya sa 1600 Tokyo haha.

Putang-igit finale rin ng American Idol kanina, di ko napanood ang live dahil sa putang-igit na exam yan. Shet. Dailymotion, here I come!

Posted in Real TV, Top 5 Anything, Tunay na Buhay | Leave a Comment »

jordin should stay, my Math went away

Posted by Arch sa Mayo 16, 2007

Nakakainis. Sira na naman ang schedule ko. Waaaaa (insert more a’s)! Hindi ko nakuha ang pinaka-aasam-asam kong Math 109 (Fundamental Proofs and Theories of Mathematics). Ngayon tuloy eh babaguhin ko na naman ang mga sched ng subjects ko to give way sa Math na ito. At wala pa rin akong CWTS o PE. Waah.

Anu ba yan. Siguromag pepre-rog na naman ako. Bummer. Papayat na naman ako sa kalilibot sa peyups Republic.

Idol: Ang ganda ng show kanina. Hula ko na makakapasok si Melinda ‘no neck’ Dolittle. Kinakabahan nga ako para sa bet ko na si Blake Lewis. Magaling din talaga si Jordin Sparks. Hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari bukas. Ito siguro ang pinakamagaling na Top 3 sa Idol history.

Abangan natin bukas.

Posted in Kwentong U.P., Real TV | 6 Comments »

Eleksyon ’07 – fearless forecast

Posted by Arch sa Mayo 13, 2007

Three-day weekend ngaun kaya nagtataka ako kung bakit hindi ako umuwi ng Batangas para manood ng mga boto habang kumakain ng paborito kong Lays. Ang sakit kasi ng ulo at kasu-kasuan ko dahil naulanan ako kahapon. Ang sarap ng maligo sa ulan, lalo na kung apat na linggo ka nang sinusunog ng araw.

Eleksyon na bukas at excited na ako. Hindi ako mapulitikong tao pero nasasabik ako sa magiging resulta Vilma Santos-Rectosa local elections namin doon sa Batangas. Kung ako ang masusunod ay mananalo si Vilma Santos. Pero sa tingin ko naman ay landslide ang panalo nya, ‘yun ay kung walang milagrog magaganap. Sa aking palagay, 86% ang chance na mananalo sya, na may margin of error na + or – 3% (corresponding to minor na pandaraya at ineffiiciencies). Akalain mo at may maapply pala akong theory sa probability.

Fearless Forecast: Batangas Governor – Vilma Santos-Recto (86%),Armand Sanchez (12%), A. Sanares (2%); Batangas Vice Governor – Edwin Ermita (46%), Mark Leviste (44%), Christopher De Leon (10%);

Magiging mahigpit ang labanan sa pagiging vie-governor ngayon. Alin man kina Ermita o Leviste sa tingin ko ay maaaring mamuno sa probinsya.

Heto naman ang hula kong magiging resulta ng eleksyon bukas. Nakaboldface ang mga taong aking iboboto. Nakalagy rin ang ranking range ng bawat kandidato. Halimbawa, si Legarda ay inaasahang mananatili sa Top 5 na senador.

Fearless Forecast:

Genuine Opposition

Benigno “Noynoy” Aquino III (7-13); Alan Peter Cayetano (7-11); Nikki Coseteng (15-22); Francis Escudero (1-3); Panfilo Lacson (2-7); Loren Legarda (1-4); John Osmena (10-16); Aquilino Pimentel (9-15); Sonia Roco (8-17); Antonio Trillanes (11-19), Manny Villar (4-9)

Pito ang iboboto ko mula sa Genuine opposition. Syempre nangunguna dyan ang kapwa isko na si Chiz Escudero. Isa siya sa tingin ko sa mga taong marunong at alam ang ginagawa – straight-forward at walang inuurungan. Kung mapapansin nyoay sa forecast na ito ay sure na ang panalo nina Cayetano, Escudero, Lacson, Legarda, at Villar. Si Aquino ay may maliit na tsansang hindi makapasok, ngunit mas inaasahan na makakapasok siya.

Team Unity

Edgardo Angara (7-13); Joker Arroyo (3-9); Mike Defensor (5-12); Jamalul Kiram (17-26); Vic Magsaysay (16-22); Cesar Montano (12-20); Tessie Aquino-Oreta (11-21); Prospero Pichay (10-17); Ralph Recto (5-12); Chavit Singson (13-16); Tito Sotto (14-17); Miguel Zubiri (5-11)

Dalawang TU kandidato ang aking iboboto. Sigurado ang panalo nina Arroyo at Zubiri sa forecast. Unpredictable naman ang magiging ranking nina Kiram, Montano, at Oreta dahil malaki ang min-max difference nila. Tumaas naman ang probability ni Pichay para Senador mula (14-18) to (10-17). Dahil ito sa magandag exposure niya sa GMA7. Inaasahan na pasok din sa Top 12 sina Defensor, Recto, at malamang ay si Angara.

Ang Kapatiran

Zosimo Paredes (17-31); Adrian Sison (17-24); Martin Bautista (14-23)

Iboboto ko ang dalawa sa tatlong kandidato ng Ang Kapatiran. Mas naniniwala ako sa mga plataporma nila. hindi man ganoon kaingay ang kanilang kampanya ay mas inuuna nilang ipahayag ang kanilang mga naisin bago ipakilala ang kanilang sarili, di tulad ng iba.

Kilusang Bagong Lipunan

Oliver Lozano (22-28); Melchor Chavez (22-33); Eduardo Orpilla (28-33); Ruben Enciso (31-35); Victor Wood (24-26); Antonio Estrella (17-25)

Others

Gregorio Honasan (8-15) Independent; Richard Gomez (16-23) NPC; Felix Cantal (29-35) PGNP.

OVERALL RANKING:

Francis Escudero (1-3), Loren Legarda (1-4), Panfilo Lacson (2-7), Joker Arroyo (3-9), Manny Villar (4-9), Miguel Zubiri (5-11), Mike Defensor (5-12), Ralph Recto (5-12), Alan Peter Cayetano (7-11), Benigno “Noynoy” Aquino III (7-13), Edgardo Angara (7-13), Gregorio Honasan (8-15), Sonia Roco (8-17), Aquilino Pimentel (9-15), John Osmena (10-16), Prospero Pichay (10-17), Tessie Aquino-Oreta (11-21), Cesar Montano (12-20), Chavit Singson (13-16), Tito Sotto (14-17), Martin Bautista (14-23), Nikki Coseteng (15-22), Antonio Trillanes (15-23), Vic Magsaysay (16-22), Richard Gomez (16-23), Adrian Sison (17-24), Antonio Estrella (17-25), Jamalul Kiram (17-26), Zosimo Paredes (17-31), Oliver Lozano (22-28), Melchor Chavez (22-33), Victor Wood (24-26), Eduardo Orpilla (28-33), Felix Cantal (29-35), Ruben Enciso (31-35)

Names in italics are predicted to have a greater chance of being in the Top 12. Names crossed out are predicted to have no chance of winning at all.

 

 

 

 

Posted in Tunay na Buhay | 6 Comments »

ano ang trabaho ko pagkagraduate?

Posted by Arch sa Mayo 8, 2007

Ilang beses na rin na itinatanong sa akin ito ng mga tao matapos tanungin kung ano ang kurso ko. Paulit-ulit ko nang sinasabi na AYAW KONG MAGING TEACHER. At sa mga bitter dyan dahil sa program ko, oo marami pang ibang trabaho ang mga minalas sa pagpili ng course math majors na katulad ko.

Una, maari kaming maging mga actuary. Actuary? Anu kamo yun? Ehem, kung muka kang pera at ayaw mo magbangko eh di go ka na sa pagiging actuary! Alam nyo ba na ang average income ngg mga actuary dito sa pilipinas ay P2**, ***. (Per month yun ha). Pero here’s the catch, 13 times ka kukuha ng board licensure exam. Saya no? Check nyo ito for more useful info kung muka kang pera.

Pangalawa, syempre, ay ang lugar kung saan mo makikita kadalasan ang mga fresh grad math majors ng UP…sa Metrobank. Hindi bilang kahera o sikyo kundi maging finance analyst o banking consultant. Sa totoo lang di ko din alam kung ano ginagawa jan pero ok lang, ganda naman pakinggan ng trabaho mo. At least di pa rin malayo sa pera. Sure ang trabaho mo sa bangko (assuming na isko ka).

Systems analyst o optimizers. Maging myembro ng nag-iisang operations research team sa Pilipinas, ang San Miguel Corp OR team! Tiyak ang ginhawa ng buhay. Kailangan lang ng mahusay na optimization skills kaya dapat mataas sa Math 63. Maganda ito kung gusto mo ng trabahong gagamitin mo yung mga pinaghirapan mo sa college tulad ng differentiation, triple integration, cost-profit analytic functions at kung anu-ano pa. Good for your pocket and excessive expenditures.

Kung ayaw mong mag-M.S. Mathematics eh di mag-teacher ka na lang.  Sa UP of course. Or sa Arreneoh.

Posted in Kwentong U.P. | 7 Comments »

saging lang ang may puso!

Posted by Arch sa Mayo 6, 2007

Best line ever delivered in the history of Philippine cinema.

Mark Lapid: Oo! Inaamin ko, saging lang kami! Pero maghanp ka ng puno…sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso!

Ang sakit na ng tiyan ko sa katatawa. Ahahahahaah…. Saging lang daw ang may puso oh.

Eh pano si Rico J. Puno? Sino kaya ang writer nito? Tingnan nyo yung facial expression nung pulis sa likod ni Mark Lapid. Galeng! Bravo! Magnifico!

Posted in Real TV | 4 Comments »

ang highschool barkada ang pinakamasarap kasama

Posted by Arch sa Mayo 3, 2007

Tunay nga pala yung sinasabi nila dati. Ang high school ang pinakamasayang panahon sa buong buhay ng tao. Unti-unti nang napapatunayan sa akin ng panahon na talagang ang sarap bumalik sa pagiging isang high school student. Yung naka-uniporme pa rin, yung nagdadasal bago magklase, yung naka-ID kami palagi.

234228793m.jpg

Tandang-tanda ko pa noon nung una akong magtransfer sa Immaculate. Second year yun. Lumipat ako galing sa STC dahil sa kadahilanang masyadong masakit alalahanin kaya hindi ko na lang muna sasabihin. Andun ako sa may railings ng second floor, hawak yung makapal na Bio book at nagbabasa. Nerd ako dati. Super nerd. Pero ewan kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko nun. Oo niyayabangan agad ako ni Pido at ni Ocho nun. Pero yun ang unang beses na niyabangan ako ng kahit na sino. Ang sarap pala ng pakiramdam ng niyayabangan sa unang pagkakataon. Basahin ang karugtong nitong lahok »

Posted in Tunay na Buhay | 5 Comments »

Top 5 Anything: DVD series to marathon

Posted by Arch sa Abril 30, 2007

Pero bago ang listahan ay gusto ko lang ishare sa inyo na number 1 ako sa wordpress ngayong week. Ang saya-saya. Sa unang beses sa buhay ko ako ang bida.

————————————-

5. The Simpsons (Latest Season) 

images4.jpg 

This cartoon has got to be the funniest show to ever air on the television.

4. Heroes

images.jpg

I got a feeling I will be watching more of Heroes throughout the year. It’s very sci-fi cool, without being too corny.

3. The Amazing Race All-Stars

images5.jpg

My all-time favorite reality show hits 10. I wouldn’t mind watching Mirna and Charla over and over again.

2. 30 Rock

images2.jpg

This is the best thing since Saturday Night Live. Funny as hell.

1. Deathnote

images3.jpg
Best. Anime. Ever.

Posted in Top 5 Anything | 5 Comments »

inosente lang ang nagtatanong, tanga lang ang naghihintay ng sagot

Posted by Arch sa Abril 27, 2007

Summer classes ngayon kaya naman naglipana sa peyups ang mga cross-registrants from other UP units pati na rin ang mga taga-ibang school. Hindi naman sa minamaliit ko sila o maliit ang tingin ko sa kanila, pero nakakainis lang talaga.

Ang sama naman kasi ng nilalait mo ang peyups ng wala kang katuturan. Naaalala ko noong Philo class ko na “Arguments void of proof and sense come from idiocy.” Tama bang itanong sa mga taga-UP na : Bakit kayo rally ng rally? Hindi ba kayo na papagod? Eh hindi naman kayo pinapakinggan.

Inosente lang ang nagtatanong. At mga tanga lang ang naghihintay ng sagot. Pero para sa mga nagtatanga-tangahan, eto lang ang simpleng sagot.

KUNG HINDI KAMI, SINO?

Kayo bang mga taga-iba ay may lakas ng loob para magpahayag ng saloobin? Hindi ako rallyista. Oo, marami kaming hindi rallyista sa UP. Huwag kang magtaka. Hindi ako nagrarally sa kainitan ng araw. Pero aktibista ako. Aktibo ako para sa ikabubuti ng bayan — sa pamamagitan ng pagsolve ng mga derivatives at triple integrals. Sa pamamagitan ng pagsasagot ng mga sample exam sa Physics at Math. Sa pamamagitan ng pagtatanong kung bakit, paano, at saan. Aktibo ako sa pagiging estudyante ng UP, para naman magins sulit ang mga ipinagpapaaral sa akin ng TAONG-BAYAN (hindi ng GOBYERNO).

Mas mabuting maging aktibistang taga-UP, na may boses at nakakaya; kaysa maging pasibistang naka-tanga at walang ginagawa. Passivism is the worst form of defeat. At sa susunod na may manlait sa pagiging aktibo ng mga taga-UP, hindi man ako tibak o rallyista o “destabilizer” kuno,  tatanungin ko sila, “Bakit, may ginagawa ka ba?”

Posted in Kwentong U.P. | 6 Comments »